Wednesday, June 22, 2005

Heto Na Naman Kami...

Hay, naku, ang aking mga anak, heto na naman kami. Bumalik na naman ang mga sumusunod na senaryo:



a. mga notebook at iba pang gamit sa eskuwela na iniiwan lamang sa center table sa sala


b. mga sapatos na iniiwan lang sa ilalim ng sofa


c. mga hanger na nagkalat sa sahig ng room nila


d. mga procrastination habits na hindi maiwasan



‘Yan pa lang naman. Pero tiyak na tiyak habang tumatagal ang school days, marami pa akong mapapansin. Mangangaral na naman na para bang hindi pinapakinggan kasi inuulit-ulit ang mga pangit na gawi at gawain.



Noong isang gabi nga, napagsabihan ko si Kay tungkol na naman sa tele-babad. Inulit ko na naman na hindi dapat magtagal ng isang oras o higit pa ang pakikipag-usap sa telepono sa mga araw na may pasok sa eskwela. Inoobserbahan ko ngayon.



Noong minsan din, umuwi si Daryl, 17 out of 20 daw ang score niya sa quiz sa isang subject. “Me quiz kayo? E, ni hindi kita nakitang nag-review, a!” Sabi ni Papsie, “E, kelangan pa ba mag-review? Di ba, anak?” sabay tawa nung dalawa. Pinagkaisahan pa ako. Si Papsie kasi talaga complacent palagi.



Talaga naman – ang maging isang ina. Punung-puno ng challenge. Sa anak mo pa lamang, e, lumalabas na ang mga natural juices mo paano mo maharap ang mga eksena.

No comments:

Post a Comment