larawan mula sa Illinois Raptor Center
Kahawig ng barn owl na dinala
Noong Sabado, dumating ang dalawang kaibigan ni Papsie galing sa isang lalawigan. Ang nakakagulat e me dala silang kwago. Bali ang pakpak nito at me sugat sa paa. Nang magising si Kay at si Daryl mula sa pagkakatulog noong hapon ay natuwa sila nang makita ang kwago. Pero dagli ring napalitan ng lungkot ang saya nang malamang sugatan ang kwago.
Ayon kay Daryl, isa iyong barn owl. Sa pagkainis sa mga walang basehang kwentuhan na hindi raw iyon kwago, at sa kawalan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa kung ano ang gagawin kung me nakitang ganitong uri ng ibon o nilalang umakyat tuloy si Daryl sa kanyang kwarto. Paano naman daw e me nagsabi pang hindi raw iyon kwago kundi isang lawin.
Nakita ko ang kwago sa kaawa-awang kalagayan. Bali nga ang pakpak at me sugat sa paa. Hindi rin ayos ang ginawa ng mga kaibigan ni Papsie sa pagkuha rito. Wala kasi sa kanilang dalawa ang may intensyon na alagaan ang kwagong kanilang nakuha.
Sinabi sa akin ni Daryl na dapat dinadala ang mga ganoong hayop sa Wild Life Reserve o sa DENR. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat gawin kaya wala akong masabi. Pero ang dalhin ang kwago sa DENR e mas pabor ako. Kahapon nalaman ko na dinala na pala ng kaibigang kagawad ng barangay sa DENR ang kwago na pinabayaan na ng dalawang unang nakakuha.
I feel so sad for the owl. It's good that someone finally brought it to the DENR. I'm sure that it'll be well taken care off...
ReplyDeleteSome people just don't have respect for animals. Nice to know that your kid is well informed about such things.
hi, single! oo nga, single. sa bawat araw, natutuklasan ko ang iba pang katangian ng mga anak ko.
ReplyDeletekulang din ang pamalaan ng wastong pagbibigay ng impormasyon.
Daryl for DENR Secretary!!! :D
ReplyDeletewow, type ko ang ideya! ha ha
ReplyDelete