Wednesday, May 31, 2006

Takaw-pansin, takaw-away, takaw-gulo

Minsan, nasumpungan kong yayaing muli ang aking si Papsie at mga anak sa Cubao. Napansin kong naiwanan na pala ako sa tangkad ng mga anak ko. Mas mataas pa sila ngayon sa akin – mga batang dati ay kinakalong ko lamang.


Nagpagupit ng buhok si Kay at may highlights pa. Pinakamaiksi niyang buhok ito sa matagal nang panahon. Bumagay naman sa kanya. Katunayan nga, e, ang dami napapalingon J (Proud mother na naman si Mamá :-O ). Isang binatilyo nga ang nakasalubong niya at muntik na akong mabunggo dahil nakangangang napatitig kay Kay. Pwera biro. Hindi nga namin napigil ni Papsie ang matawa.


Nang nasa ikalawang palapag na kami ng isang department store, humiwalay si Kay sa amin at namili ng babagay na t-shirt kay Daryl (napagliliitan na kasi ni Daryl ang kanyang mga damit). Maya-maya ay patakbong lumapit si Kay, “Ma, nakakatakot.” Tinanong namin kung bakit at sinabing nilapitan daw siya ng tatlong lalaki at nagsabi ng “hi”. Sinundan namin ang direksyon ng kanyang mga mata at ang tatlong lalaki naman ay umiwas ng tingin. Pinuntahan ko ang lugar na kinalalagyan ng t-shirt dahil medium lang ang nakuha ni Kay. Naroon ang tatlong lalaki at tiningnan ko ngunit hindi makatingin. Walang kibo akong namili ng t-shirt pero di ko binalak na sitahin dahil wala namang ginawang masama sa anak ko. Maya-maya pa ay umalis na ang mga lalaki.


Naisip ko na makabubuti din na judo ang P.E. ni Kay kahit na noong una ay bantulot akong iyon ang kanyang kinuha. Makakatulong ito sa kanya kung may aatake sa kanya o may mambabastos o magtatangka ng masama. Pero sabi ko nga sa anak ko, ang judo at iba pang uri ng martial arts ay para sa self-defense at hindi dapat abusuhin. Kung binati lang siya ng “hi” ay walang masama doon. Pwede namang bumati pabalik o huwag na lamang pansinin. Kung hihigit pa dito gaya ng nangyari sa kanya noon, maaring gumamit ng kaalaman sa martial arts kahit anong oras. Hindi rin dapat ipakitang natatakot kahit iyon ang nararamdam, dagdag ko.


Ang martial arts pala ay hindi lamang para sa self-defense. Bukod sa gamit nito sa mga kumpetisyon, ito ay nakatutulong upang lumakas ang pangangatawan (physical fitness) at maging payapa ang kaisipan (mental tranquility).


Bukod nga pala sa mga taong takaw-pansin, mayroon din namang takaw-away o takaw-gulo. Ito yaong mga taong madaling madawit sa isang gulo o away. Ang ipinagtataka ko lamang ay kahit walang ginagawa ang mga taong tulad nito ay nasasabit sa gulo. Tulad na lamang ng isang taong kilala ko na minsang napadaan sa mga tambay na nag-iinuman ay bigla na lamang siyang nasuntok ng isa sa mga tambay. Hindi lamang minsan nangyari ito. Nang minsan nakasakay siya sa isang dyip at may sumakay na mama, bigla na lamang siyang sinuntok sa mukha at pinagbantaan na huwag susunod. Nasa mukha kaya ito? Nasa paraan ng pagtingin? Nasa personalidad?


Hay, naku, hindi ko alam ang sagot. Pero mayroon talagang mga taong takaw-pansin, takaw-away, o takaw-gulo. Palagay ko mas pipiliin ng marami ang maging takaw-pansin.

18 comments:

  1. Ganon yata talaga ang buhay. Kanya kanyang dalang vibes o kaya personality. Para bang yong "The Usual Suspect".

    Noong vacation ko, meron din ako ibang experience sa panganay ko. Medyo nagulat ako kasi biglang nagkagulo at nagtakbuhan palapit sa amin mga 5 kabataang girls. Tapos humihingi ng autograph sa anak ko... Napagkamalang artista ang anak ko...hehehe.

    Kakatawa at kakainis na experience. LOL

    ReplyDelete
  2. ha ha dinaig ka?? pumayag ka naman? :-P ha ha nasa wordpress ka na, rolly?

    ReplyDelete
  3. sobra beauty kasi ni kay eh.. pansinin tuloy.. hehehe..

    nasa aura siguro.. meron din ako mga pinsan na takaw-gulo.. parang yung gulo ang humahanap sa kanila.. mayabang daw ang dating ng aura eh.. heheheh.

    ReplyDelete
  4. hi, din-din! kay is pretty but not overly beautiful. but she knows how to dress, how to carry herself, how to walk properly. she has a slender body and maintains a good posture. there are a lot of girls more beautiful than her. but she is pansinin, true. i cant help myself be amused about those who cant resist themselves staring. pero ngayon na lang ako ganito. before kasi para gusto kong batukan ang mga tumitig dahil napakabata pa noon ni kay.

    maaaring yung dating ng isang tao - mayabang, maporma, masama makatingin, atbp - ang nagiging dahilan marahil. kailangan sigurong may magsabi.

    ReplyDelete
  5. You must be one proud mama to have a stunner as your firstborn. Umpisa pa lang iyan ng headaches mo, bing. Hahaha :-D

    Speaking of 'takaw away'. I don't know why, but even with my notoriously short temper, nobody has ever dared start trouble with me. Not even back in HS and college, ako pa ang iniiwasan ng gulo. I guess they just took one look at me and started thinking "uh oh, this guy's trouble". LOL! :-D

    BTW, I wasn't a bully...

    ReplyDelete
  6. Maganda siguro siyang dalagita!

    Other than judo, may I suggest for her to check out tai-chi.

    ReplyDelete
  7. Mas mahirap yata ang may dalaga ano, bing? Mas maraming worries. :)

    ReplyDelete
  8. nag-uumpisa na nga ang sakit ng ulo, e. so if you're not a bully, ano tawag sa yo, single? he he :-)

    i dont know, eric, if tai-chi is in the list.

    true ka dyan, irene, very true.

    ReplyDelete
  9. aawww.. like mother like daughter! ;)

    ReplyDelete
  10. some people say, we look alike, but i think she looks more like her father. the prominent features of her face is from her father.

    but to some traits we are the same, din-din.

    ReplyDelete
  11. Err, I don't know what they called me then because nobody ever bothered to tell me, hehe. But really, I never mauled or maimed anybody in my life. :-)

    ReplyDelete
  12. baka maraming takot kaya walang naglakas loob magsabi LOL that's nice to know you havent hurt anybody he he

    ReplyDelete
  13. Maganda yang Martial Arts Bing. Nakakatulong pag may luko-luko dyan. Hindi rin natin mapigilang mag-worry sa mga anak natin lalo na pag dalaga na.. I'm sure you are very proud how Kay turned out to be...

    ReplyDelete
  14. Totoo yan Bing,...Yang mga takaw-gulo talagang kailangan bigyan ng lesson. Nung isang gabi muntik na akong napaaway dahil lang sa mga magugulong tao. Yung nga nag-iinuman sila buti na lang naiisipan kong umiwas na lang. I almost called the police.

    ReplyDelete
  15. "Pero mayroon talagang mga taong takaw-pansin, takaw-away, o takaw-gulo."
    Bing, meron din namang basta't matakaw lang. Hehe! :)
    Wow! Your daughter must be a budding beauty... expect suitors to be knocking at your door. :)

    ReplyDelete
  16. hi, agring. i think martial arts is a necessity nowadays particularly for the younger people. marami talagang nagkalat na 'mga luku-luko' sa ngayon. i guess every parent should be proud of their kids and should make them feel that they are appreciated, not necessarily telling them what is not true, but to make them feel they are appreciable in their own ways.

    hay, naku, major tom, dapat kasi ang alak nilalagay nila sa tyan hindi sa ulo.

    LOL oo nga, toe, mga matatakaw na kakain lang at hindi iisipin na me kakain pa LOL hindi na magtitira!

    she's a budding beauty indeed.

    ReplyDelete
  17. i guess fathers really react differently when it comes to those things. i remember my dad freaking out back then if i wear anything a bit revealing or tight. sabi nya he knows how men think. my mom tho was more constructive with her comments, she would even go with me when i go shopping, she then suggests what she prefers i wear, but she never imposes. its that phase in life where your kids really need guidance. kayang kaya yan :)

    ReplyDelete
  18. Papsie (how i fondly called hubby) does not freak out the way Kay dresses. he is one cool dad. we encourage free expression of self. wag lang yung malalagay sa alanganin si Kay. :-) kayang-kaya pa naman namin, mushy. life is still a continuing process of learning anyway.

    ReplyDelete