Monday, May 2, 2005

Mayo 1

Dinaraos ang fiesta sa aming lugar tuwing Mayo 1.
Palagi naman kaming may bisita sa okasyon na ito. Pero dahil sa
birthday ko na sa ika-7 ng Mayo at 40 years old na ako sa araw na 'yon,
naisip ko na pagsabayin ang selebrasyon. Una, para makatipid, he he he.
Magtataas na naman kasi ang pamasahe sa Mayo 4. Kung dodoblehin ko pa
ang handa e gastos sa gasolina, sa pamasahe at baka mag sky rocket na
naman ang mga bilihin. Pangalawa, ang hirap po kamo ang maghanda! Kami
lang ang nagprepare - halos lahat ng trabaho para sa preparasyon e kami
lang ni Papsie at ni Nanay ang gumawa. Hindi na kasi uso ang kusang
palo ngayon. Palagi na ring me katapat na presyo o regalo para ka
tulungan. Nawala na nga ang bayahihan.

 



Masaya naman at halos lahat ng inimbita ay
nakarating. Ang aking mga kaibigang luma na (sina Randy, Emy at Ando)
ay naroon. Ang aking mga bagong ( bago kasi bago pa lang ako sa WIP)
kaibigang sina Kat, Tato, Lulu, Emily, Eden, Ruth, Lani, at Mo ay
naroon din. Enjoy na enjoy ang mga anak ko sa mga anak ng mga kaibigan
ko. Tuwang-tuwa sila. Dumating din sina Eddie (kasama si Tess) at RL
(kasama ang wife at kid) - mga kaklase namin sila at kaibigan noong
college.

 



Nalasing agad si Papsie e hindi naman agad
nalalasing 'yon. Dahil sa matinding pagod siguro. Naglilitanya nga siya
nang humiga na para matulog. Hindi raw niya alam iyon.

 



Malaki ang naitulong ni Ambad, ang isa sa
kaibigan namin, siya ang katulong ni Papsie sa pagluluto. Mabait na tao
talaga. All out sa pagtulong kay Papsie, supportive ever.

 



Kung tatanungin ako kung ano ang hihilingin ko
ngayong tumuntong na ako sa edad na ito... hmmm... isa lang - ang
matupad ang lahat ng dreams ko kasama sina Papsie at ang aking mga kids
- si Kay at si Daryl, na hindi ganoong kahirap. Sabagay, walang kwenta
ang tagumpay na hindi pinaghihirapan.

 


HAPI BERTDEY TO ME... HAPI BERTDEY TO ME... HAPI BERTDAY, HAPI BERTDEY, HAPI BERTDEY TO ME!



nagsimula ang araw sa isang mass para sa fiesta


sobrang ganda na ng altar ng church namin, ang Parish of the Crucified Lord
ANG MGA BAGONG KAIBIGAN AT ANG MGA TAONG NAGING BAHAGI NG SELEBRASYON
si Cathy, ang executive secretary to the President ng WIP at si ako


si Tato, isa sa mga close friends ko, kasama si Eva (wife nya) at si Renz (ang nag-iisang anak nila)

si Eden, Eman at ang mabait na si Mo na nagtatago ng cel fon ko pag naiiwan ko sa office


si Lani at John at ang cute na si Lawrence


si Eric habang nagpe-perform ng harlem dance


si Joy at ang pamilya nya

si Emily, ang nurse sa WIP

ANG MGA KAIBIGAN KO FOR LIFE (I wish... I wish...)


si ako kasama sa pic si Randy, bes pren ko nun sa UII, big time sa Camel Industries...

 



Randy and wife, Edith

 


Ang gwapo kong kumpareng Emy (na tumaba na) kasama si Monique na second baby nya

 


si Vicky, wife ni Pareng Emy, with my inaanak MJ (ang laki na nya!)

 


si Ando at Joyce at si Andrei


ang aking mga kids... enjoy sa mga kids na bisita ko


si Nanay at si Botsokoy


Pareng Larry (ang katulong namin sa mga legal matters) with son and Daryl


Pareng Larry's wife and son, Botsokoy

Si Eddie... galing ng New York, umuwi sa Pinas; ganun din si Tess,
misis niya, galing ng Spain, umuwi ng Pinas; (at the right corner); si
RL naman - sino magsasabing magiging kagawad ito? ha ha ha (at the left
corner with family); si Papsie ang nasa center


Si Papsie kasama ang college classmates at friends naming si RL( kasama ang misis niya at ang anak niya) at Eddie( with Tess)

Ambad, Papsie, and Eddie


pareng arnold, papsie n itoy


ang aking dearest Papsie... pagod at lango... kung wala siya, hindi magiging possible ang okasyon

ANG MGA KIDS NA NAGING BISITA KO


si Raven at si Eldon, mga anak ni Randy


si Andrei, inaanak ko, a case of autism... he is blessed to have parents like Joyce and Ando


si Eden with the kids


si Ela, si Lawrence, si Trisha

ang cute na si Lawrence, anak ni Lani at John, ang gwapo 'no?


heto si ERIC, anak ni Joy at Ric, magaling sumayaw ng Harlem dance, 3 yrs old pa lang

heto si EMAN, kapatid ni Ela, anak ni Eden, how cute the eyes, 'no?


heto so BOTSOKOY, anak ni Pareng Larry
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

9 comments:

  1. belated Hapi bertday! Naalala ko tuloy ng nag 40th birthday ako... iniisip ko yung kasabihan na life begins at 40... tanong ko ano kaya ang ibig sabihin non? baka naman life begins to "fade" at 40!!! Ay ayoka nga... kaya ginawa ko humiling ako ng RED colored cake sa family ko... para naman maging life begins to begin at 40...hehehe...anyway welcome to the 40 club! may naiba bang feeling?

    ReplyDelete
  2. thank you, elizabeth! wala namang naiba, the same 'hot' bing ha ha ha

    salamat sa dalaw ha?

    ReplyDelete
  3. I don't understand the language, but any way a verybelated happy birthday. And thanks for dropping in.

    ReplyDelete
  4. huli man ay babatiin na rin kita.

    maligayang kaarawan!

    ReplyDelete
  5. @soumyadip - thanks for passing by. i am sorry if the blog's more an inconvenience. anyways, happy to know you took time greeting me a belated happy b day!

    @slim whale - salamat nang marami sa pagdaan at sa pagbati. huli man daw at magaling, huli pa rin! ha ha salamat ha?

    ReplyDelete
  6. Very belated happy birthday. I also turned 40 on May 2005. You're just older by a few days. I also threw a big party for myself.

    And like you, I didn't wake up feeling any different on that day. Life begins at 40? I think mine did three years earlier. Year 2002 was a big eye-opener for me.

    ReplyDelete
  7. May 24th, Gemini, the twins. Two personalities. I think in some ways, I have a double personality. :)

    ReplyDelete