Isang gabi ngayong linggong ito, sinalubong ako ni Daryl at nagsabing may ipapakita raw siya sa akin. Sa una ay hindi ko napansin na ang grado niya sa asignaturang Science ang pinakamababa. Ito ang isa sa paborito niya.
Hindi naman talaga mababa ang grado sa Science pero malayo siya sa mga grado ng ibang asignatura. Hindi halos magkakalayo ang lahat maliban sa Science. "Sayang naman, ‘no? Teka nga pala, bakit ito ang resulta sa Science? Di ba ito ang paborito mo?" Huminga nang malalim si Daryl sabay sabing, "Ganito kasi ang istorya nun, Ma…"
Sa mas maikling kwento, hindi pala siya nakapagpasa ng proyekto. Ang dahilan, nagloloko raw ang PC namin noong panahong iyon. "Huwag mo namang ibigay na rason iyon, anak. Maraming paraan kung nagsabi ka lang sa akin at kung talagang nag-abala ka para doon."
Nanghinayang din siya at 86 lamang ang grado niya sa Science. Alam din niya na ang proyekto niya ay makakadagdag pa ng puntos. Habang ako ay nagsesermon pero hindi naman talaga ako galit, tumitig sa akin si Daryl at tinanong ko kung bakit. Tinatantiya pala niya kung galit ako.
Sino ba naman ang magagalit sa gradong 86 na siyang pinakamababa? Pero hindi ko rin palalagpasin ang pagkakataon na ituro sa kanya ang nararapat – ang maging responsible. Pero sabagay, paminsan-minsan ay kailangan niyang makita ang resulta ng pagpapabaya. Mas nararamdaman kasi iyon pag nararanasan.
sang ayon ako sa'yong tinuran.pirst taym ko dito :)
ReplyDelete