Sunday, April 3, 2005

Ayaw Niya Raw

>Si Daryl ang isa sa mga batang sobrang matatakutin. Buti nga nabawasan na. Noong maliit pa siya, madalas napupuyat ako kapag nakakapanood siya ng nakakatakot, o di kaya’y nakapakinig ng kuwentong kababalaghan. Sobra kasi ang lakas ng imahinasyon niya. Hanggang ngayong 12 taong gulang na siya, may mga pagkakataon pa rin na nauunahan siya ng pag-aalala o takot.
>Noon ngang Sabado de Gloria e bigla naming naisip na sumama sa swimming nina Kuya Pen. Masaya si Kay at si Daryl pero nang malaman ni Daryl na dagat ang pupuntahan nawala ang excitement niya. Paano nga ay kakatapos lang ng mga balita ng aksidente sa dagat gaya ng tsunami. Ganun din yan noong madalas ang mga balita tungkol sa mga bumagbagsak na eroplano. Hindi na lang daw siya pupunta sa ibang bansa. Ayaw na raw niya maging environmental scientist kasi wala sa Pilipinas noon pero kung pupunta pa sa ibang bayan e wag na raw kasi baka bumagsak ang eroplano. Tsk tsk nakakapag-iling ng ulo, di ba?
>Madali talaga siyang maapektuhan ng takot o pag-aalala. Nang makarating kami sa dagat. Sinubukan ni Papsie na enganyuhin na lumusong siya sa tubig. Noong una takot talaga siya at sabi niya doon na lang daw siya sa shore. Pinilit ni Kay (sobra naman ang lakas ng loob ng isang ito). Aba, napalusong si Daryl. Hayun at ayaw na’ng magpaawat. Ako naman ang nangingilo kasi sobra na sa 3 kilometro ang naabot nilang magkapatid dahil mababaw lang ang tubig.
>Nasunog ang balat ni Daryl. Ang itim ng mga braso ngayon. Nagbabakbak ang mukha, nasunog din. Paano kasi nawili – ayaw pa raw sa dagat!

No comments:

Post a Comment