Noong malaman ko na may boypren na ang anak kong 14 taong gulang, napuno ako ng takot at pangamba. Nagalit din ako sa loob-loob ko. Tanong ko sa sarili ko, "Bakit noong ako ay kasing-edad niya, wala sa isip ko ang mag-boypren?"
Sadya yatang madaling maakit ang mga kabataang lalaki sa byuti ng anak ko. Meron nga yata yung tinatawag na ligawin. Masaya man ako na hinahangaan si Kay, nag-aalala naman ako para sa kanya:
Baka masaktan lang siya.
Baka lokohin lang siya.
Baka masira ang pag-aaral niya.
Baka mabuntis siya sa maagang edad.
Siyam na taon pa lamang si Kay noon ay meron nang nagregalo sa kanya ng malaking teddy bear, wala namang okasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nalilimutan ng lola ng batang iyon – botong-boto sa kanya. Pero ngayon, mas matangkad na si Kay sa kanya. Matapos nun, marami na ang mapapansin mo na aaligid-aligid. Isang araw nga, summer pagkatapos grumadweyt ni Kay sa elementarya, habang kami ay nagkakatipun-tipon sa labas, may lumapit sa hipag ko na isang gwapong bata. Ang tanong – "Saan po ba dito nakatira si Czarina Kay _________?" Kumpleto pa pati apelyido.
Sa madaling sabi, dati pala niyang kaeskuwela iyon na nag-aaral na sa La Salle ngayon. Ilan ding panahon na nagpabalik-balik iyon at nagregalo ng kung anu-ano. Napabuntunghininga ako ng pasasalamat nang huminto na ito sa pagdalaw sa bahay. Nang mag-umpisa na sa first year ang aking anak, nalaman ko na marami na naman ang umaaligid-aligid. Meron pa ngang tila stalker na sunod nang sunod sa kanya na minsan pa nga raw, e, paglabas niya ng CR e nag-aabang!
Malapit nang matapos ang taong iyon, naramdaman kong minsan na malungkot ang anak ko. Pinilit kong alamin ang dahilan. (Hindi kasi siya yung tipo na palakwento ng mga nangyayari sa kanya.) Nalaman ko na meron sa kanyang nanliligaw na 4th year HS student. Galit ang naramdaman ko sa loob sa lalaking iyon. Imadyin, me gatas pa sa labi ang anak ko, e, bibiktimahin na! At ga-gradweyt na. Nalaman ko na varsity player ang mokong at habulin ng mga babae. Nabuo ang plano sa utak ko na pupuntahan ko ang mokong na iyon sa eskuwelahan. At nagpunta nga ako. Gulat na gulat ang mga kabarkada ni Kay. At nagulat din ang anak ko. Hindi ko rin nakausap dahil nagpa-praktis para sa graduation.
Kinamusta ko kinabukasan kung ano ang sinabi ng mokong at nalaman ko na sinabi ni Kay na hindi puwede dahil ayaw ko nga. Umiyak daw ang 4th year HS student na iyon. Keber ko, isip-isip ko. Pero sa gitna ng mga pangyayari, pilit kong pinapakita sa anak ko na nariyan lamang ako at palaging handang umunawa at makinig.
Huli na nang malaman ko noong kalagitnaan ng taon nang siya ay nasa 2nd year na sa mataas na paaralan na boypren na niya ang taga-Letran na dati rin niyang kaklase noong elementarya. Matagal kaming nag-usap ni Kay sa kwarto ko tungkol dito. Hindi naging madali sa akin ang pagtanggap pero inisip ko na rin na baka makasama pa kung hihigpitan ng todo. Ipinaliwanag ko sa kanya na pupwede ang relasyon pero may limitasyon:
Hindi niya dapat pabayaan ang pag-aaral niya.
Hindi sila pwedeng maglakad na nagho-holding hands o nag-aakbayan.
Hindi siya pwedeng umalis kasama ang boypren na siya lamang mag-isa.
Hindi siya dapat pumunta sa bahay ng boypren niya.
- Hindi siya dapat mag-seryoso dahil bata pa siya.
Hindi pwedeng maglapit sobra ang katawan at baka kung ano ang mangyari.
Nagbigay din ako ng sulat tungkol dito. At sinabi ko rin na pwede niya akong maging kaibigan, at higit pa sa kaninong kaibigan niya.
Lumipas ang mga araw, buwan, at ngayon nga ay 4th year na si Kay. Ngayong araw na ito, sinabi niyang naki-pagbreak na siya. Tinanong ko kung bakit. Sinabi sa akin na ‘masyadong seryoso’ daw si ***. Na-we-weirduhan siya sa mga text na sinasabing "Akin ka lang." Marami daw ipinagbabawal. Sinabi ko na pag-isipan niyang mabuti. Sa totoo lang, mabait ang batang iyon. Baka out of impulse lang. Ayaw na raw niya, ang tugon ni Kay, para daw siyang nasawa.
Ang gawing ito ng anak ko ay pagpapatunay na bata pa siya. Parang gusto kong magdiwang dahil hindi na ako gaanong mag-aalala. Pero dapat nga ba? Sa totoo lang, pilit ko pa ring ipinapaunawa sa kanya na isiping mabuti ang desisyon dahil baka siya lang ang masaktan sa bandang huli. Pero wala talaga akong makitang pagsisi sa mukha ni Kay.
ate bing,
ReplyDeletepareho pala tayo ng problema at mga pangamba sa ating mga dawters. ok ang post mo, nakakuha ako ng ilang tips.
uy, kauro, naligaw ka. nakakatakot namang talaga. pero i always initiate the conversation tungkol sa mga bagay na ito. reluctant silang magkwento kasi me takot din, e. hindi rin sila sigurado kung ano ang reaksyon natin. kaya para mawala ang takot, tayo ang mag-uumpisa.
ReplyDeletebing, pwede ko bang i-rearrange yung mga do's and don'ts (naku, nakialam pa ako, sorry ha) ... pwede bang unahin yung HUWAG PABAYAAN YUNG PAGAARAL NYA. He he. Alam mo naman, para sa isang guro (kahit retired na) na katulad ko, palaging una yung pagaaral. I believe that almost everything good flows from a good education. I noticed that students of mine who were more diligent, even if they had boyfriends too, always prioritized their studies; those who were less interested in studies ... hay naku, sumakit ang ulo ko kasi mas maraming boyfriends, mas madalas ang papalit-palit.
ReplyDeletebugsy,
ReplyDeletesiguro nga, yun ang naisip mo kaagad bugsy. ako naman, bilang magulang, yung takot ko na baka bumigay ang anak ko,yun agad ang naisip ko. hindi ako gaanong kabado tungkol sa pag-aaral. my kids are both diligent. actually, si kay ang kasalukuyang Presidente ng Student Council at ng klase nila. She is also the feature editor of their school paper. Pero i still included ang concern ko sa pag-aaral dahil it can be a possibility rin naman na mapabayaan. i was at that time when i was writing this more like confident about their study habits kaya siguro. but thanks, bugsy bee. it is a good suggestion para na rin sa mga kabataang magagawi rito kung sakali.
naku Bing....parang nakikinita-kinita ko na ang aking kakaharapin sa pagdating ng panahon. 8 years old pa lang ang dalaginding ko pero ngayon pa lang eh natatakot na ako. Iba kasi ang kultura dito eh, masyadong nagmamadali ang mga bata..di katulad noong kapanahunan ko, sus, bawal ligaw ligaw.
ReplyDeleteyun ang eksaktong word, rhada - NAGMAMADALI- at pati dito sa Pinas, yan ang nangyayari. ibang-iba kasi ako noon nung ako ay ka-edad nya. sabagay, times are changing.-->
ReplyDelete