Saturday, January 7, 2006

Ang Halik

Maaga akong umuwi kahapon dahil dinala ako sa Capitol Medical Center. Tumaas ang BP ko – 150/100 noong nasa trabaho ako at 170/110 pagdating ko sa ospital.Pasado alas kwatro na nang dumating kami ni Papsie. Nakatulog pala ako sa sofa. Sa pagtulog ay naramdaman ko ang paghalik sa pisngi ko at sa labi pa. Naramdaman ko rin ang haplos sa likod ko.

Nagising ako maya-maya at nakita ko na dumating na pala si Kay. Birthday daw ng kanyang si Jay. May dalang yakisoba mula Tokyo Tokyo. Umakyat ako pagkatapos sa kwarto at nahiga. Maya-maya ay umakyat na rin si Papsie. Doon ko tinanong kung hinalikan niya ako sa sofa. Hindi raw siya iyon dahil naglalaro siya ng mah jong. Baka raw si Kay.

Si Kay nga pala iyon. Tinanong kasi ni Papsie. Touched naman ako. Mahal pala niya ako. Tumabi pa nga pala iyon sa akin kahapon at halos yakap ako at haplos haplos ang likod ko na nagtanong, “Ok ka lang, Ma?”

Hindi sweet ang panganay ko pero sa mga pagkakataong ganito, ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala niya.

No comments:

Post a Comment