Sunday, March 13, 2005

Ang Aking si Kay

(isinulat noong February 25, 2005)>Wala si Kay sa bahay ngayon. Nasa Sacramento Valley siya sa Tanay, Rizal. Tatlong araw siya doon. Dumalo sa isang Leadership Training. Siya ang byutiful kong anak (naks, syempre anak ko e - love my own he he). Kinse anyos na siya. Napakabata pa pero marami na ring sinusuong na pagsubok sa buhay.

>Ewan ko ba, alam ko namang malakas ang loob ng anak ko at isang lider pero hindi ko maiwasan ang mag-alala. Ganoon yata ang mga ina talaga. Noong unang araw nga ng pagpasok ni Daryl (ang pangalawa kong anak) sa high school at unang beses na umuwi mag-isa na hindi sinundo ni Papsie, sobra rin ang pag-aalala ko. Hindi nga ako nag-OT noon at inabangan ko ang pag-uwi. Nahuli lamang nang ilang minuto e hindi na ako mapakali.






>Si Kay ang nanalong Presidente ng student council sa eskuwelahan nila. Presidente rin siya ng kung anu-anong organisasyon sa eskuwelahan. Feature editor din ng school paper nila. Maaasahan siya bilang isang lider. Pero nakakapagtaka rin, pagdating sa bahay kahirap utusan. Ang nguso e halos umabot sa sahig. Pumapangit! Siguro kasi sa sobrang pressure sa eskwelahan kaya pagdating sa bahay. Palagi akong me rason para sa kanya, ano? Sabi nga, give the benefit of the doubt.






>Magaling din ang kamay ni Kay. Magaling ding gumuhit. Isa sa namana sa akin tapos ang pamilya pa nina Papsie e puro artist. Napangasawa pa ng isang tita niya si Edgar Talusan Fernandez (isa sa kilalang artist/painter ng bansa). Kaya ganun na lang ang pagkahilig ni Kay sa pagguhit. Minsan ipa-publish ko ang ilang iginuhit niya.






>Marami ring umaaligid sa anak ko. Sa edad na 9 na taon noon, may nagbigay na ng isang malaking stuffed toy sa kanya dahil crush daw siya. Me itinatangi na rin ngayon. Pero sana... hindi niya makalimutan ang aking mga pangaral sa kanya. Sana sumikat siya. Hindi naman mataas ang pangarap na yun di ba? Gusto ko lang sumikat siya balang araw. Hindi naman siguro masama iyon. (Nakangisi ako ngayon)

No comments:

Post a Comment