Monday, March 21, 2005

Isang Sorpresa



  • Ilang linggo nang nakaraan ito. Naalala ko lang kasi nagugutom na ako habang sinusulat ko ito. Minsang hinatid ako ni Papsie patungong office e nabanggit ko sa kanya na ang sarap talagang kumain ng ginataang langka. Mahilig din talaga ako sa lutong me gata. Ang sabi ni Papsie sa aken e mahirap daw kasing iluto ang mga me gata. Hindi raw sya magaling sa mga lutong me gata. Sumagot ako nang ‘Ba’t naman mahirap? Sa tingin ko naman, hindi yun mahirap." (hindi kasi matanggap na hindi na magluluto ng me gata ha ha ha) Sabi nya ulit e dalawa raw kasi ang kamay ko na magagamit sa pagpiga ng gata e sa kanya iisa lang ang gumagana. Bigla namang akong naguilty at sinabi sa sarili, "Oo nga, no?" Sinabi ko rin nang malakas yun.




  • Nang tanghalian na sa office, naghanap ako ng ulam na me gata. Nagkataon namang wala. Iba na lang ang inorder ko. Nakalimutan ko na rin naman malaon ang tungkol sa me gatang pagkain.




  • Hapon na nang magpaalam ako na mag-o-OT ako. Sabi niya, "Ok, lam mo magugustuhan mo ang ulam pagdating mo!" Pinilit kong tanungin kung ano, hindi naman sinabi. Laking gulat ko nang pag-uwi ko, ginataang kalabasa at sitaw na me sahog na dinaing na labahita. Hindi ko na masyadong napansin ang me sarsang ulam. Hindi na tuloy ako nakapagpalit ng damit at umupo na agad ako.




  • Nadagdagan na naman tuloy ang love ko kay Papsie. Maliit na bagay yun pero grabe ang epekto sa aken – nakaka-touch na sorpresa. Sa kanyang kalagayan, pinipilit nyang gawin ang mga bagay bagay kahit hindi madali sa kanya – PARA SA AKIN.



No comments:

Post a Comment