Naku, ang batang ito! Pambili lang ng biscuit sa halagang P20 e hihingin pa sa ama niya. Nakaipon na ‘yan ng mahigit isang libo ngayong quarter na ito. Nagpapautang naman. Dapat ka nga lang magbayad. At wala siyang pakialam kung ikaw ba ang ama, o ina, o ate niya, basta magbayad ka ng utang mo.Ganyan si Daryl ko. Pero mabait na bata. Ayaw ng gulo, ayaw ng may nagagalit sa kanya. Napakadaling manghingi ng sorry. Pero makunat. Nakasimangot ang pera pag inilalabas (maliban sa hindi maayos na pagkakalagay nito sa kanyang pitaka). Pero lambingin mo lamang, bibigaay din naman.
Ngunit sa ilang puna tungkol sa kanya, higit pa rin ang mga magagandang katangian. Napakalambing po niya at makuwento tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay. Kapag kausap mo siya, para bang isang mama ang kausap mo. Hindi ka nakikipag-usap sa isang 13 taong gulang na bata.
Kuripot mang matatawag, siya pa rin ang anak kong napakabait.
Thursday, February 9, 2006
Kuripot
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment