Sunday, February 26, 2006

Tampo

Noong isang araw, nagtampo na ako sa ‘yo. Ngayon nagtatampo na naman.Me dahilan ba ako na magtampo? Sa palagay ko, meron naman.

Ang unang tampo ko: Gutum na gutom ako pagdating sa office noong isang araw. Pagdating sa kantina, wala akong nagustuhang pagkain. Bigla ko tuloy naisip na kung ipinaghahanda mo ako ng almusal, wala sigurong problema. Mabibilang ko kasi ang mga sandali na ipinaghahanda mo ako ng almusal. E, bakit nga ba ganun? Naisip ko marahil alam mong di ako kumakain nang maaga. Naisip ko rin, alam mong kaya ko kasing gumawa ng paraan sa mga simpleng bagay na ito. Simple nga lang pala ito.

Ang sumunod na tampo: Kahapon, Sabado, halos buong araw akong naglaba. Ngayon ay Linggo, nagbabanlaw pa rin. Ako pa rin ang maghuhugas ng plato kasi kakahiya naman sa dalaginding ko na pinaghugas mo ng katakot-takot na hugasin kaninang umaga. Ang iskedyul niya ay ngayong gabi sana. Inako ko na ang iskedyul niya ngayon. Kaya lang nang hilingin ko sa iyo na imisin ang mesang pinagkainan ipinasa mo na naman sa ating anak. Sobra talaga akong nainis kasi buong araw kang nasa labas para magmahjong o magmiron sa mahjong. Papasok ka lang para magluto ng ulam. Simpleng hiling hindi mo mapagbigyan. Pakiramdam ko e wala kang kagana-gana pag nasa loob ng bahay. At ke sigla-sigla naman pag kasama mo ang iyong mga barkada. At bakit parang di ko naririnig ang reklamo mong masakit na mga kasu-kasuuan pag nasa labas ka? Hindi simple ito kaya di na ako nakapagpigil sa pagsasalita.

Lilipas din naman ang mga tampong ito.

5 comments:

  1. I can relate. Ganyan din ang aking esposo. Ako'y naiinis din at magmula ng matutong maglabas ng basura ang aking panganay ay ayaw na niyang gawin. Minsan ay mabigat ding buhatin kapag puno ang mga garbage bags ay naaawa ako sa anak ko na hindi naman kalakihan ang katawan. Minsan ay ako na lang ang tumutulong dahil pagmumulan pa nga away kapag ako'y nagsalita.

    At bakit nga ba mas masaya kapag kasama ang mga kaibigan kaysa kapag nasa bahay. Mas gusto pang makipag-usap sa mga kaibigan kaysa sa iyo? Kakausapin ka lang nang maayos kapag may kailangan?

    Akala ko ay asawa ko lang ang ganito. Bihira kasi akong makarinig sa mga kaibigan ko ng ganitong reklamo. Good to know na hindi ako nag-iisa.

    ReplyDelete
  2. yah talagang dumadating s tin ang d makapagtimpi. well tao lang tau. may pakiramdam dahil madalas mangyari s kin yan. maghapon k n linis ng linis tapos d k p matulungan. hay cguro talagang ganyan ang buhay. kaya ako may time ako s sarili ko every 2 weeks nasa parlor ako para nmn s sarili ko no. o kaya magshopping . kelangan m din kc un e. para makapagrelax. d nmn puedeng 7 days a weeks 24 hrs a day e nakakulong k s bhay. bka nmn maloka k no. tama lang n nrelease mo ung inis mo kesa timpiin mo at mas malala p kung kelan galit n galit k ay ska sasambulat oki........

    ReplyDelete
  3. hi, niceheart, minsan dumadating sa punto na magtatanong ka kung kilala mo ba talaga o meron ka pang di alam ha ha

    ReplyDelete
  4. hi, cris! mismo! nakakadami pati ng wrinkles ang makunsumi.

    salamat sa pagbisita. come back again.

    ReplyDelete
  5. hi, cris! mismo! nakakadami pati ng wrinkles ang makunsumi.

    ReplyDelete