Matangkad si ***. Siguro mga 5’9” ang taas. Malaki pa ang katawan. Pero tumitiklop kay Kay. Ang taray naman kasi ng isang ito. Madalas nga e naririnig ko ang mataas na tono ng boses niya pag kausap sa telepono si ***.Pinalampas ko ang maraming beses na naririnig kong ganoong klase ng pakikipag-usap. Pero kagabi, hindi ko kinaya. Kinausap ko si Kay pagkababa niya mula sa kanyang kwarto. Sinabi ko na hindi ko gusto ang pagtrato niya kay ***. Hindi lang naman sila magkaibigan, higit pa sa kaibigan. Kung ang kaibigan e iniingatan, hindi ba mas higit na dapat ingatan ang mga taong higit pa sa kaibigan?
Isa pa sa ayaw ko e ang isipin ni *** na pinapalaki ko si Kay nang ganoon. Baka sabihin e ganoon ang pagtrato ko sa anak ko – binubulyawan, tinatarayan, sinasaktan ang damdamin. Baka mamaya gawin din sa kanya iyon balang araw kung sila ang magkatuluyan.
Kaya nga hayun at hindi ko pinalampas! Pinagsabihan ko. Sabi nga ni Daryl, e para raw na-badtrip ang ate niya. Wala akong magagawa, wika ko, dahil hindi ko talaga kayang palampasin ang mali. At isa pa, ugali ko na na ituwid ang pagkakamali nila dahil yun ay pagpapatunay na mahal ko sila.
Thursday, February 2, 2006
Palagi na lamang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment