Saturday, February 25, 2006

Mga Pagbabago



Kakatuwa talaga ang mga pagbabago sa bunso ko. Isa sa napansin ko ay ang mga kinakain niya. Hindi kasi siya kumakain ng gulay. Pero ngayon, kumakain na siya kahit di man ganoon karami. At flattered ako kasi karamihan ng kinakain niyang pagkain na may lahok na gulay e luto ko.Isa rin sa pagbabago niya e ang hindi na pagsimangot pag sunud-sunod ang utos ng kanyang lola.

Meron pa rin palang isa, kumakain na siya ng ‘normal’ na lunch pag nasa school: kanin at ulam. Hinto na muna raw ang kanyang pag-iipon. Gusto raw niya ulit kumain ng lunch na kanin at ulam. Siguro kung noon pa niya ginagawa ito, ang taba na niya lalo. Sana huwag mawili at baka lalong tumaba.

No comments:

Post a Comment