Pagsaluhan natin itong tamis
Ng pag-ibig
Tayo ay magtampisaw sa batis
Ng pagsintaMuli’t muli ay damhin ang init
Aking yakap,
Aking halik, aking pagmamahal,
O irog ko
Ako’y lunurin sa ‘yong pagsinta,
Aking mahal,
At ating kalimutan sandali
Itong mundo
Pagsaluhan nating itong nektar
Ng pag-ibig
Tayo’y mabuhay sa tamis nito
Habambuhay
Korni ang pag-ibig ayon sa ‘yo. Pero ayon din sa ‘yo, ito ang dahilan kung bakit ang sarap umibig. Kung baga sa rekado, ang kakornihan ang isa sa ingredyente ng matamis at masarap na pagmamahalan.
Hindi naman natin ipinapahayag ang ating pag-ibig sa ganitong paraan. Simpleng pagsasabi lang ng ‘I love you’ ang karaniwan nating ginagawa. Siyempre may kasama itong haplos sa ulo, at sa kung saan-saan pang parte. May kasama rin itong kindat na madalas ay nangangahulugan ng mas matindi pang pangyayari. May kasama rin itong malagkit na tingin na alam ko na kung ano ang ibig sabihin. May kasama rin madalas itong halik o mga halik, minsan ay dampi lamang at minsan naman ay matindi.
Hindi lumilipas ang araw na hindi mo sinasabi na ako ay mahal mo, o di kaya, ipinapadama man lamang. Hindi ba tayo nagkakasawaan? Palagay ko ay hindi. Hindi lamang naman kasi kita kabiyak ng puso. Totoo lahat ng deskripsyon sa pamagat ng blog na ito. Higit ka pa sa isang kabiyak ng puso. At sana ay gayon din ako sa iyo.
Wednesday, February 8, 2006
Sa Araw ng mga Puso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment